Sabado, Marso 7, 2015

Ganda ng Pilipinas

Tunay ngang pinagpala ang ating bansa. Sa kasalukuyan, may pahayag ang magpapatunay nito. Halimbawa sa mga ito ay ang paglalarawan ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal na tinawag ang Pilipinas bilang "Perlas ng Silanganan" dahil sa lokasyon nito. At si Miguel Lopez de Legazpi noong 1569, na sinabi sa Hari ng Espanya na ang Pilipinas ay may Klimang Nagpapalusog.

 
 Jose Rizal
Miguel Lopez de Legazpi

















Ayon Naman sa Benevolent Assimilation ni William McKinley, inilarawan ang Pilipinas bilang isang bayan na maraming ginto nakakalat sa gilid ng ilog at maraming masaganang pananim. 

William McKinley
 Sa ibang libro naman, ang Pilipinas ang sinasabing Isa sa mauunlad na bansa. Noon pa man ay Industriyalisado na tayo bago man maging industriyalisado ang Tsina. Sa pagkakataong ito, masasabi natin na ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kabilang na rito ang mga puno at halaman sa mga burol at kagubatan, at iba't ibang klase ng isda at kasama na nga rito ang mga "Coral Reef".

Ngunit sa panahon ngayon, masasabi mo pa ba na ang bansa natin ay nananatiling industriyalisado? Alam naman natin ang sagot sa nasabing tanong, pero hahayaan na lang ba natin na manatili tayo sa ganitong sitwasyon? Hahayaan na lang ba natin na mamayagpa ang mga masasamang gawain na alam nating masama at malaking epekto sa ating kapaligiran o kalikasan?    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento