Sabado, Marso 7, 2015

Dapat bago natin gawin ang isang bagay, matuto muna tayong isipin kung ano ang magiging dulot nito, na dapat maglaan tayo ng sapat na oras at wastong pagdedesisyon sa bawat pagpapasyang ating gagawin.

Halimbawa, ang pagpapasya na may masamang epekto sa ating kalikasan ay iligal na pagtrotroso. Sa kabilang banda ang pagtrotroso rin ay may mabuting naidudulot sa atin dahil dito nagmumula ang mga ginagamit natin sa araw-araw, ang mga papel, ang lapis, ang bahat at kung minsan ang mga muwebles,

 Ang isa pang halimbawa ng masamang gawain ay ang iligal na pangingisda na masasabi rin natin na may mabuti ring naidudulot tulad ng pagtaas ng kita o sahod ng isang mangingisda at dadami ang kanilang mahuhuli.

Sa ganitong sitwasyon, hindi natin kinakailangang mag-isip ng para lang sa ikabubuti natin, na para lang sa ikagiginhawa natin dahil dapat din nating isipin ang mga maaapektuhan, hindi lang tayo ang makikinabang at walang iniisip kundi ang ating sarili. Isipin rin natin ang mga maaaring maidulot nito na baka hindi natin namamalayan ang masama na pala.

Kung may mabuting dulot ang iligal na pagtrotroso at iligal na pangingisda syempre ay mayroon din itong masamang epekto, hindi man ito mangyari ngayon, bukas o sa susunod na araw ay asahan natin ang bunga ng ating maling desisyon.

Sa iligal na pangingisda, maaari itong makasira sa tirahan ng mga isda na tinatawag na coral reefs na isa rin sa nagpapaganda sa atinng karagatan, isa pa, kapag ang isda ay namatay dahil sa cyanide. Ang cyanide ay maaaring isang walang-kulay na gas, tulad ng hydrogen cyanide (HCN) o cyanogen chloride (CNCl), o anyong kristal tulad ng sodium cyanide (NaCN) o potassium cyanide (KCN). Naisip mo man lang ba kung ito ay mayroong tinataglay na chemical o lason na humalo na sa tubig-alat na kapag nakain ng mga isang tao lalo na ng mga bata pa lamang o sanggol ay may kinalaman na ito sa usaping pangkalusugan? At isa pa, kapag gumamit ka ng dinamita ay maaari ring mamatay ang mga maliliit na isda na responsable rin sa pagpaparami ng lahi nito.

Hindi lang sa kalikasan ang epekto nito kung hindi maging sa kalusugan ng gumagamit nito dahil maaari silang maputukan dahil sinindihan mo ito ay sasabgo agad ito. At ayon sa Section 88 ng Republic Act 88 Number 8550 na kapag nahuli kang gumagamit nito ay pupwede kang makulong mula 6 na buwan hanggang 2 taon.

Sa iligal na pagtrotroso naman, ang ilan sa mga masasamang dulot nito ay maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa, magiging mas mainit ang ating kapaligiran dahil sa hindi balanse ang kapaligiran (kaunting oxygen ngunit mas maraming carbon dioxide), mas matinding pagbaha dahil ang mga ugat ng puno ang sumisipsip ng tubig upang hindi lumala ang baha, pagkonti ng ating resources at lalong-lalo na sa lahat ay mawawalan ng tirahan ang mga hayop sa kagubatan. 

Ngayong nalaman mo na ang mabuti at masamang epekto ng mga iligal na gawain. sa tinngiin mo ba nararapat pa ring ipagpatulot ang mga ito gayonng alam mo na ang magiging kahahantungan? Paano na lamang ang mga susunod na henerasyon? Ang Pilipinas? Kung ngayon pa lamang ay sirang-sira na ito?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento